I was in love 7 years ago with a soldier, pinandigan ko ang paniniwala ko na pag mahal mo isang tao, hindi ka gagawa ng mga bagay na alam mong masasaktan siya, akala ko din dahil 10 yrs ang gap namin, mas ok ang lahat mas magkakaintindihan kami, dumating yung point na halos mas sinusunod ko na siya kesa sa magulang ko, dahil nag-aaral pa ako nun lahat ng galaw ko at gawin ko dapat alam niya, sa simula maayos ang lahat siguro ganun naman talaga pag nagsisimula palang. hanggang sa dumating sa point na kunting bagay pinagaawayan na namin,sabi ko normal lng na magaway at paminsan minsan hindi magkaintindihan hanggang sa umabot ng 5 yrs ang away bati naming relasyon,
Dumating yung araw na kinailangan nya pumunta sa Syria, para maging peacekeeper (2010), bago siya umalis ng province nag-usap kami tungkol sa'min at nagplano na pagbalik niya puwede na kaming magpakasal kahit na tinatapos ko palang ang course ko, sabi ko sakanya hihintayin ko pagbalik niya, pero sa laking dismaya ko na 2 months palang siya dun nakita ko na sa facebook ang babae sinasabing girlfriend niya daw. sobrang sama ng loob ko na kahit sa facebook dinideny niya ako, dumating din sa point na inaway ako ng babae ngpakilalang girlfriend niya, wala akong magawa kundi umiyak dahil napakalayo niya sa'kin.
sabi ko sa sarili ko hihintayin ko siya at hihingin ko lahat ng paliwanag niya, at that time hindi ako makapag concentrate sa pag- aaral ko, inaamin ko na medyo napasobra ang pagbibigay ko sakanya ng atensyon at sobra akong nagkulang sa pag aaral ko.kaya habang naghihintay nilibang ko ang sarili ko ginawa ko ung mga bagay na hindi ko nagawa na sabi niyang hindi puwede, naging active ako sa mga school activities at iba't ibang organization ang sinalihan ko.
isang araw nakatanggap ako ng isang pm sa babaeng sinasabing gf nya, sabi nya wala n daw sila at ako daw talaga mahal ng bf ko, sabi din niya siniraan daw ako ng mga kapatid ng bf ko dahil wala dw mapapala sa'kin at studyante palang. sa sobrang sama ng loob ko nagdesisyon ako na tatapusin ko ang course ko at ipapakita ko sakanila kung sinu ang taong nilalait nila.
hanggang sa dumating ung araw ng kanyang pagbabalik, akala ko okay na lahat pero my iba na siyang kasama babae. hindi ko na siya kinausap o hiningan ng paliwanag sapat na ung malaman ko na mayroon ng siyang iba.
at ngayon nakatapos at nagtatrabho, bumalik siya sa buhay ko,sabi niya pinagsisihan niya lahat ng bagay na ginawa niya mali sa'kin, humingi siya ng pangalawang pagkakataon akala ko ok na, akala ko ulit puwede na. lagi niya sinasabi hirap na hirap siya financially, hirap na buhay niya, sabi ko ok lang at nandito ako para tulungan siya,ok na sana lahat eh hanggang isang araw inamin niya na may nabuntis siya at disgrasya lang na kailangan niya sustintuhan, parang tumigil ang mundo ko, natulala lang ako sa mga sinabi niya, hindi ko maintindihan kong bakit? bakit nanamn? anung kasalan ko at ito nanamn kmi? malapit na raw manganak ung babae at need nya sustintuhan. napaisip ako, kaya ba ako nito binalikan dahil naiisip nya na ako lng makakatulong saknya? at ako lng mauuto niya?
hindi ko alam kong bakit paulit ulit akong nasasaktan pagdating sakanya, ngaun napagdesiyunan ko na hayaan na lang siya o sila dahil ayaw ko na ng magulong buhay, siguro kya ako inilagay ng Diyos sa sitwasyon ulit na ganito dahil may nakalimutan akong bagay na dapat kong matutunan.
Ngayon nrealize ko,minsan hindi lang pala laging puso ang kailangan masunod, minsan kailangan mong labanan ang pagmamahal mu sa ibang tao para matutunan mu mahalin mu ang sarili mu...
batangmesskit_zde09

