Hanapan ang Blog na Ito

Miyerkules, Setyembre 4, 2013

the broken hearted me...


I was in love 7 years ago with a soldier, pinandigan ko ang paniniwala ko na pag mahal mo isang tao, hindi ka gagawa ng mga bagay na alam mong masasaktan siya, akala ko din dahil 10 yrs ang gap namin, mas ok ang lahat mas magkakaintindihan kami, dumating yung point na halos mas sinusunod ko na siya kesa sa magulang ko, dahil nag-aaral pa ako nun lahat ng galaw ko at gawin ko dapat alam niya, sa simula maayos ang lahat siguro ganun naman talaga pag nagsisimula palang. hanggang sa dumating sa point na kunting bagay pinagaawayan na namin,sabi ko normal lng na magaway at paminsan minsan hindi magkaintindihan hanggang sa umabot ng 5  yrs ang away bati naming relasyon,

Dumating yung araw na kinailangan nya pumunta sa Syria, para maging peacekeeper (2010), bago siya umalis ng province nag-usap kami tungkol sa'min at nagplano na pagbalik niya puwede na kaming magpakasal kahit na tinatapos ko palang ang course ko, sabi ko sakanya hihintayin ko pagbalik niya, pero sa laking dismaya ko na 2 months palang siya dun nakita ko na sa facebook ang babae sinasabing girlfriend niya daw. sobrang sama ng loob ko na kahit sa facebook dinideny niya ako, dumating din sa point na inaway ako ng babae ngpakilalang girlfriend niya, wala akong magawa kundi umiyak dahil napakalayo niya sa'kin.

sabi ko sa sarili ko hihintayin ko siya at hihingin ko lahat ng paliwanag niya, at that time hindi ako makapag concentrate sa pag- aaral ko, inaamin ko na medyo napasobra ang pagbibigay ko sakanya ng atensyon at sobra akong nagkulang sa pag aaral ko.kaya habang naghihintay nilibang ko ang sarili ko ginawa ko ung mga bagay na hindi ko nagawa na sabi niyang hindi puwede, naging active ako sa mga school activities at iba't ibang organization ang sinalihan ko. 

isang araw nakatanggap ako ng isang pm sa babaeng sinasabing gf nya, sabi nya wala n daw sila at ako daw talaga mahal ng bf ko, sabi din niya siniraan daw ako ng mga kapatid ng bf ko dahil wala dw mapapala sa'kin at studyante palang. sa sobrang sama ng loob ko nagdesisyon ako na tatapusin ko ang course ko at ipapakita ko sakanila kung sinu ang taong nilalait nila.
hanggang sa dumating ung araw ng kanyang pagbabalik, akala ko okay na lahat pero my iba na siyang kasama babae. hindi ko na siya kinausap o hiningan ng  paliwanag sapat na ung malaman ko na mayroon ng siyang iba.

at ngayon nakatapos at nagtatrabho, bumalik siya sa buhay ko,sabi niya pinagsisihan niya lahat ng bagay na ginawa niya mali sa'kin, humingi siya ng pangalawang pagkakataon akala ko ok na, akala ko ulit puwede na. lagi niya sinasabi hirap na hirap siya financially, hirap na buhay niya, sabi ko ok lang at nandito ako para tulungan siya,ok na sana lahat eh hanggang isang araw inamin niya na may nabuntis siya at disgrasya lang na kailangan niya sustintuhan, parang tumigil ang mundo ko, natulala lang ako sa mga sinabi niya, hindi ko maintindihan kong bakit? bakit nanamn? anung kasalan ko at ito nanamn kmi? malapit na raw manganak ung babae at need nya sustintuhan. napaisip ako, kaya ba ako nito binalikan dahil naiisip nya na ako lng makakatulong saknya? at ako lng mauuto niya?

hindi ko alam kong bakit paulit ulit akong nasasaktan pagdating sakanya, ngaun napagdesiyunan ko na hayaan na lang siya o sila dahil ayaw ko na ng magulong buhay, siguro kya ako inilagay ng Diyos sa sitwasyon ulit na ganito dahil may nakalimutan akong bagay na dapat kong matutunan.

Ngayon nrealize ko,minsan hindi lang pala laging puso ang kailangan masunod, minsan kailangan mong labanan ang pagmamahal mu sa ibang tao para matutunan mu mahalin mu ang sarili mu...


batangmesskit_zde09





Linggo, Abril 7, 2013

Ito na Ako ngayon...


Ako ay isang uri ng tao dumarating lang ang pagkakataon kung kelan ko trip magsulat(poems,essay,short story)..Noong elementary ako,salubong na kilay ko tuwing naririnig ko teacher ko na kailangan sumulat ng walang kamatayang "Autobiography". hindi ko kasi alam kung saan ako magsisimula,hindi ko trip magsulat ng english,pero trip kong magbsa ng english na libro hindi boring..kaya sa mga makakabasa nito pasensya na po kung laging tagalog ang blog ko..sabi ng Prof. ko kung hindi mo kayang ipaliwanag sa english ang solution sa Math Problems, pwd namn tagalog o bikol..:-)..
...March 16, 2013 ang araw na pinakahihintay ko...hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na natapos ko na ang course ko..hindi ako nahihiyang aminin na 7 yrs after bago ako grumaduate..sabi ko nga lahat ng bagay na nangyayari ay may rason,..Naiinis ako sa mga taong nanghuhusga at nagsasabing "Hindi ka pa din graduate?"..deep inside sinasabi ko nalang hindi ko naman kailangan ikwento sa lahat ng tao sa mundo kung bakit umabot ako ng 7yrs..2 yrs lang naman ang sobra..:-)
...bakit nga ba?..lahat ng tao sa mundo may kanya kanyang problema at pinagdadaanan,.sa'kin nga lang sa pamilya,hindi ko lang siguro na-balance ang mga problema ko,masyado kong dinamdam lahat ng pinagdaanan ng pamilya namin,.sabi ko nga kung yun talaga mangyayari wala akong magagawa ang importante nanay ko hindi ko pababayaan,.hindi man naging "best" husband ang tatay ko..kahit papano naging "best" tatay naman siya...
...hindi ko din na-balance ang love sa pag-aaral ko..mga bagay na di mo inaasahang gagawin sa'yo ng taong mahal mo..hindi mo alam kung anu paniniwalaan mo..sabagay nga pag tiwala ang nawala imposible ng maibalik pa..hindi naman madali limang taon tapos lolokohin ka lang..
...Siguro nga kailangan kong pag daanan lahat ng bagay na yun para matuto ako..
...Ganito na ako ngayon..
..kung noon iniiyakan ko mga taong pingsasalitaan ako ng masama,ngayon hindi na, deadma lang ako sa mga taong mapnghusga lalo na't alam kong hindi ko namn sila kaclose..
...kung ayaw sa'kin ng tao o hindi ako gusto,..ayos lang hindi ko ikakayayaman ang pagsuyo sa bawat taong hate ako....pag dating sa love? kung ayaw sa'kin eh di huwag walang problema...pero naniniwala pa rin ako na pag mahal ka ng isang tao boyfriend mu man o kaibigan hindi siya gagawa ng bagay na ikakagalit mo..
yearssss of friendship...nakakatuwang isipin kong hindi pa kami bumagsak sa isang subject hindi kami magiging close..:-)
Mga taong nakasama ko sa puyatan,tawana,kainan,inuman...masasabi ko hindi sila marunong mangiwan sa ere pag sinabi nilang tropa..tropa..


"SIETE" blessed ako sila batchmates ko..walang iwanan sa design....
ako,..ako...ako..